ADBOKASIYANG PANG-EKONOMIYA
(Kabutihan ng Sektor ng Ekonomiya)
Magandang araw sa inyo. Ako
si Alyssa Kyle Canete, isang hayskul na nag-aaral sa paaralang Holy Child Jesus
Montessori School. Naghanda ako ng isang adbokasiya ukol sa pagpapalaganap ng
mabuting pagtakbo ng ekonomiyang pambansa at sa mga kabutihang maidudulot ng
ibat-ibang sektor ng ekonomiya.Na sana'y makatulong ito sa ating lipunan.*ANO ANG MGA IBA'T-IBANG SEKTOR NG EKONOMIYA?
Ang ating ekonomiya ay nagkakaroon ng layunin
para sa ikabubuti nito na kung saan ukol ito sa pagsulong tungo sa kaunlaran o
pag-unlad. At makakamit nila ito kung ang ating
- AGRIKULTURA
Ang agrikultura ay may
malaking gampanin sa pagpapaunlad sang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami ng
mga hayop at mga tanim o halaman.
Hindi naging madali ang pagtatanim,
paghahayupan, pangingisda o paggugubat kung maraming
suliraning pangkalikasan
ang humahadlang. Narito ang ilang suliranin sa agrikultura:
*polusyon
*global warming
*kakulangan sa
implementasyon ng mga programang pansakahan.
At narito naman ang ilang
solusyon sa mga suliraning binanggit:
*
Pagpapahalaga ng kalikasan .
* Pagapatupad ng tunay na
reporma sa lupa.
·
INDUSTRIYA
Ang industriya ay
nagpapakita ng kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto mula
sa mga hilaw na materyales na tutugon sa mga pangangailangan ng local at
pandaigdigang pamilihan.
Marahil na
walang halaga ang mga inani na hilaw na materyales at paggamit ng makabagong
teknolohiya kung ang mga sumusunod na suliranin ay mananaig:
* Kakulangan ng suporta at proteksyon ng pamahalaan.
* Kawalan ng sapat na puhunan.
* Pagpasok ng mga dayuhang kompanya at industriya.
*
Pagpapatupad ng batas para sa proteksyon.
*
Pagbibigay ng subsidy sa maliliit na kompanya
*
Paghihikayat ng mga dayuhang kompanya na hindi kakompetensya ng local na
indutriya.
·
PAGLILINGKOD
Ang paglilingkod ay ang
pagbibigayng iba’t-ibang serbisyo sa mga negosyo at sa mga konsumer.
Ito ang mg ilan sa mga suliraning
ikinaharap ng sector ng paglilingkod:
*Kakulangan sa
pagsasanay bilang tagapaglingkod.
*Kakulangan ng kita sa paglilingkod.
Naging epektibo ang pagpapatuloy na pagsulong ang
paglilingkod dahil sa mga solusyon na ito:
*
Pagpapatupad ng batas para sa mga pagsasanay.
*
Pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa.
·
REPORMA SA LUPA
Ang pambansang kaunlaran
ay ikinakamit ng mga Pilipino. Kaya ang mga nakaraang presidente ay nagbigay
tulong at ambag sa agrikultura ukol sa reporma sa lupa. Narito ang mga ilan:
* Batas
Republika Blg. 55
- Ito ang pagbibigay proteksyon sa
di-makatarungang pagpapaalis sa mga
magsasaka.
* Batas
Republika Blg. 1160 ni Pangulong Ramon Magsaysay
- Pagtatag ng NARRA na nangangasiwa sa
pamamahagi ng lupa ng pamahalaan.
* Batas
Republika Blg. 3844 ni Pangulong Carlos Garcia
- Pagtuturing sa mga nagbubungkal sa lupa na
tunay na may-ari ng lupa.
* Batas
Republika Blg. 6657 ni Pangulong Corazon Aquino
-
Pagpapatupad ng CARP kung saan ang mga pampubliko at pampribadong lupaing
agricultural ay ipamamahagi sa mga magsasaka na walang sariling lupa.
* Batas
Republika Blg. 8435
-
Pagpapaunlad ng subsector (pangingisda at pagsasaka) sa pamamagitan ng moderno
at makabagong mga kagamitan upang makasigurado sa kalidad ng bawat produkto.
Dahil sa mga tinupad na reporma sa
lupa, naging epektibo ang pagsulong sa pag-unlad at kaunlaran. Mas lalo itong
uunlad sa pamamagitan ng pagsanib sa aking adbokasiya.
·
ADBOKASIYA
“Pagpapatupad ng
programang ukol sa pagpapangalaga ng kalikasan at kapaligiran. Pagkakaroon ng
maayos na pamahalaan na nagbibigay-suporta sa larangan ng ekonomiya. At
pagsanib ng mabuting kalooban sa lipunan. Ito ay totoong nakakatulong sa
pag-usbong ng ekonomiya at sa pagpapabuti ng iab’t-ibang sektor ng ekonomiya.
Narito ang mga ilang
benepisyo sa adbokasiyang pang-ekonomiya:
*
Nakababawas ang pagkakaroon ng suliraningpangkalikasan.
* Mas lalong
tatatag ang samahan ng pamahalaan at ng mamamayan pagdating sa ekonomiya.
* Maipabuti
ang pagpapakatao ng mga mamamayan.
* Nakababawas
ang pagkakaroon ng suliraning pananalapi.
* Aangat ang
kondisyon ng pambansang kaunlaran.