Huwebes, Marso 16, 2017

                                             ADBOKASIYANG PANG-EKONOMIYA
                                                (Kabutihan ng Sektor ng Ekonomiya)
               Magandang araw sa inyo. Ako si Alyssa Kyle Canete, isang hayskul na nag-aaral sa paaralang Holy Child Jesus Montessori School. Naghanda ako ng isang adbokasiya ukol sa pagpapalaganap ng mabuting pagtakbo ng ekonomiyang pambansa at sa mga kabutihang maidudulot ng ibat-ibang sektor ng ekonomiya.Na sana'y makatulong ito sa ating lipunan.
               
     
 Ang aking adbokasiya ay simple lamang ang nilalaman. Nagdudulot man ito ng mabuti o masamang epekto sa ekonomiya, ang mahalaga ay naiambag ko ang aking pananaw tungkol sa mga karapat-dapat na gawin bilang mamamayan ng lipunan. Ngunit, ano nga ba ang nilalaman ng aking adbokasiyang ekonomiya? Bago ko man ilahad ang aking kasagutan, nais kong talakayin ang mga ibat-ibang sektor ng ekonomiya.


*ANO ANG MGA IBA'T-IBANG SEKTOR NG EKONOMIYA?
                 Ang ating ekonomiya ay nagkakaroon ng layunin para sa ikabubuti nito na kung saan ukol ito sa pagsulong tungo sa kaunlaran o pag-unlad. At makakamit nila ito kung ang ating

AGRIKULTURA, INDUSTRIYA, at PAGLILINGKOD ay may kakayanan sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.

  • AGRIKULTURA

                  Ang agrikultura ay may malaking gampanin sa pagpapaunlad sang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman.
                

      
  



Hindi naging madali ang pagtatanim, paghahayupan, pangingisda o paggugubat kung maraming
suliraning pangkalikasan ang humahadlang. Narito ang ilang suliranin sa agrikultura:
                                                    *polusyon
                                                    *global warming
                                                    *kakulangan sa implementasyon ng mga programang pansakahan.
                      At narito naman ang ilang solusyon sa mga suliraning binanggit:
                                   * Pagpapahalaga ng kalikasan .
                                   * Pagapatupad ng tunay na reporma sa lupa.

·         INDUSTRIYA
                        Ang industriya ay nagpapakita ng kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto mula sa mga hilaw na materyales na tutugon sa mga pangangailangan ng local at pandaigdigang pamilihan.

Marahil na walang halaga ang mga inani na hilaw na materyales at paggamit ng makabagong teknolohiya kung ang mga sumusunod na suliranin ay mananaig:
       * Kakulangan ng suporta at proteksyon ng pamahalaan.
       * Kawalan ng sapat na puhunan.
       * Pagpasok ng mga dayuhang kompanya at industriya.



Upang maiwasan ang suliranin, maaaring sundin ang mga solusyon na ito:

           * Pagpapatupad ng batas para sa proteksyon.
           * Pagbibigay ng subsidy sa maliliit na kompanya
           * Paghihikayat ng mga dayuhang kompanya na hindi kakompetensya ng local na indutriya.

·         PAGLILINGKOD
                        Ang paglilingkod ay ang pagbibigayng iba’t-ibang serbisyo sa mga negosyo at sa mga konsumer.

              
                    Ito ang mg ilan sa mga suliraning ikinaharap ng sector ng paglilingkod:
      *Kakulangan sa pagsasanay bilang tagapaglingkod.
      *Kakulangan ng kita sa paglilingkod.

Naging epektibo ang pagpapatuloy na pagsulong ang paglilingkod dahil sa mga solusyon na ito:
      * Pagpapatupad ng batas para sa mga pagsasanay.
      * Pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa.
  
                Nalaman na natin ang kabutihan ng mga iba’t-ibang sektor sa ekonomiya. Sadyang nakakatulong sila sa pag-unlad ng ekonomiya dahil nakasalalay sa kanila ang pambansang kaunlaran.

 
·         REPORMA SA LUPA
                       Ang pambansang kaunlaran ay ikinakamit ng mga Pilipino. Kaya ang mga nakaraang presidente ay nagbigay tulong at ambag sa agrikultura ukol sa reporma sa lupa. Narito ang mga ilan:


* Batas Republika Blg. 55
  - Ito ang pagbibigay proteksyon sa di-makatarungang  pagpapaalis sa mga magsasaka.
* Batas Republika Blg. 1160 ni Pangulong Ramon Magsaysay
-  Pagtatag ng NARRA na nangangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan.
* Batas Republika Blg. 3844 ni Pangulong Carlos Garcia
-  Pagtuturing sa mga nagbubungkal sa lupa na tunay na may-ari ng lupa.
* Batas Republika Blg. 6657 ni Pangulong Corazon Aquino
- Pagpapatupad ng CARP kung saan ang mga pampubliko at pampribadong lupaing agricultural ay ipamamahagi sa mga magsasaka na walang sariling lupa.
* Batas Republika Blg. 8435
- Pagpapaunlad ng subsector (pangingisda at pagsasaka) sa pamamagitan ng moderno at makabagong mga kagamitan upang makasigurado sa kalidad ng bawat produkto.

            Dahil sa mga tinupad na reporma sa lupa, naging epektibo ang pagsulong sa pag-unlad at kaunlaran. Mas lalo itong uunlad sa pamamagitan ng pagsanib sa aking adbokasiya.

·         ADBOKASIYA
                      “Pagpapatupad ng programang ukol sa pagpapangalaga ng kalikasan at kapaligiran. Pagkakaroon ng maayos na pamahalaan na nagbibigay-suporta sa larangan ng ekonomiya. At pagsanib ng mabuting kalooban sa lipunan. Ito ay totoong nakakatulong sa pag-usbong ng ekonomiya at sa pagpapabuti ng iab’t-ibang sektor ng ekonomiya.

                        Narito ang mga ilang benepisyo sa adbokasiyang pang-ekonomiya:
* Nakababawas ang pagkakaroon ng suliraningpangkalikasan.
* Mas lalong tatatag ang samahan ng pamahalaan at ng mamamayan pagdating sa ekonomiya.
* Maipabuti ang pagpapakatao ng mga mamamayan.
* Nakababawas ang pagkakaroon ng suliraning pananalapi.
* Aangat ang kondisyon ng pambansang kaunlaran.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento